neutro


ne·ú·tro

png |[ Esp ]
1:
hindi tumutulong o nagtataguyod sa anumang panig : GITNÂ4, IMPARSIYÁL, NEUTRAL
2:
walang pinapanigan : IMPARSIYÁL, NEUTRAL
3:
sa mga kulay, hindi matingkad, hal kulay abó, itim, putî, at kulay gatas : NEUTRAL

neutron (nyút·ron)

png |Pis |[ Ing ]
:
sub-atomic na particle na ang mass ay kahawig ng proton ngunit walang kargang elektrisidad.

neutron star (nyút·ron star)

png |[ Ing ]
:
bagay na may pinakamaliit na radius, may mataas na densidad, at binubuo ng neutron na mahigpit ang pagkakapit sa isa’t isa.

neutrophil (nyu·tro·fíl)

png |[ Ing ]
:
sa histolohiya, putîng cell ng dugo na madalîng mamantsahan ng neutrong tinà.