oo


oo- (ó·wo)

pnl |Bio |[ Ing ]
:
pambuo ng pangngalan na nangangahulugang itlog o ovum.

o·ò

png |Kol
:
salitâng batà para sa tae.

ó·o

png |[ Seb Tag War ]
:
tugon ng pagsang-ayon : ÁO, AW, HAI, HÚO, HUON, IYÓ, ON, OÓN, SI, WA, WEN, YEAH, YES Cf OHÒ, OPÒ — pnd ma·pa·ó·o, u·mó·o.

oocyte (ó·wo·sáyt)

png |Bio |[ Ing ]
:
hindi ganap na ovum sa obaryo.

oodles (ú·delz)

png |Kol |[ Ing ]
:
napakalakíng halaga o kantidad.

oogamous (o·wó·ga·mús)

pnr |Bio |[ Ing ]
:
may mga gamete na magkakaiba ang estruktura, ang babaeng gamete na malakí at malayang nakagagalaw, at ang laláking gamete na maliit at hindi malaya sa paggalaw.

oogenesis (o·wo·dyé·ne·sís)

png |Bio |[ Ing ]
:
simula at pag-unlad ng ovum.

oolite (ó·wo·láyt)

png |Heo |[ Ing ]
:
limestone na binubuo ng maliliit at bilóg-bilóg na mga butil.

oolith (o·wo·lít)

png |Heo |[ Ing ]
:
alinman sa mga bilóg-bilóg na butil na binubuo ng oolite.

oology (o·wó·lo·dyí)

png |[ Ing ]
:
sangay ng ornitolohiya ukol sa pag-aaral ng mga itlog ng ibon.

oolong (ú·long)

png |Bot |[ Ing Chi ]
:
maitim na uri ng tsaa na tumutubò sa China at Taiwan, at iniimbak bago patuyuin.

oompah (úm·pa)

png |Kol Mus |[ Ing ]
:
ritmong tunog ng instrumentong tanso na mababà ang tono.

o·ón

png |[ Iva ]

ó·ong

png |Bot |[ Pan ]
:
uri ng kabute.

oophorectomy (ó·wo·fo·rék·to·mí)

png |Med |[ Ing ]
:
pagtanggal ng isa o dalawang obaryo sa pamamagitan ng operasyon.

oophoritis (ó·fo·ráy·tis)

png |Med |[ Ing ]

ooze (uz)

png |Heo |[ Ing ]
1:
malambot na putik
2:
putik na maapog at pangunahing binubuo ng kabibe at maliliit na organismo na matatagpuan sa ilang bahagi ng kailaliman ng karagatan.

ooze (uz)

pnd |[ Ing ]
:
dumaloy o manalaytay nang marahan sa mga bútas o maliliit na siwang, karaniwan ng likido, hangin, tunog, at iba pa.