organisas-yong pampolitika at pangmilitar na nabuo noong 1964 upang pag-isahin ang mga pangkat ng ilang Arabeng Palestino
International Labor Organization (ín•ter•ná•syo•nál léy•bor ór•ga•ni•séy• syon)
:
ahensiya ng United Nations na may tungkuling paunlarin ang kondisyon ng pagtatrabaho ng mga manggagawà sa buong mundo
United Nations Organization (yu•náy• ted néy•syons or•ga•ni•zéy• syon)
:
organisasyon ng mga bansa na itinatag noong 1945 upang itaguyod ang kapayapaang pandaigdig, seguri-dad, at pagkakaisa
North Atlantic Treaty Organization (nort at•lán•tik trí•ti or•ga•ni•zéy•syon)
:
asosasyon ng mga estado sa Europa at Hilagang America
United Nations Industrial Development Organization (yu•náy•ted néy•syons in•dás•tri•yál de•vé•lop•mént or•gá•ni•zéy•syon)
:
itinatag ng UN General Assembly noong 1966, isa itong nagsasariling sangay sa loob ng UN at may misyong pabilisin ang industriyalisasyon ng mga umuunlad na bansa
Organization of the Petroleum Exporting Countries (or•ga•ni•zéy• syon ov da pet•ról•yum eks•pór•ting kán•tris)
:
samaháng itinatag ng mga bansang nag-eeksport ng mga malalakíng kantidad ng petrolyo
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (yu•náy• ted néy•syons ed•yu•kéy•syo•nál sá•yan•tí•fik end kúl•tyu•rál or•ga•ni• zéy•syon)
:
sangay ng UN na itinatag noong 1946 upang palaganapin ang pagtutulungan ng mga bansa sa mga larang ng edukasyon, agham, kultura, at komunikasyon. May punòng himpilan ito sa Paris at may 190 kasaping bansa noong 2004