• quadrant (kwád•rant)

    1. 1:
      sangkapat ng bilóg na may arkong 90°
    2. 2:
      area na sakop ng arko at dalawang iginuhit na radius
    3. 3:
      anumang may hugis ng sangkapat ng bilóg, lalo na ang bahagi ng mákiná
    4. 4:
      sa heometriya, isa sa apat na bahagi ng anumang patag na rabaw na hinati ng dalawang perpendikulong linya
    5. 5:
      anumang instrumentong ginagamit sa astronomiya, nabegasyon, at katulad na may gradwasyong 90° at karaniwang ginagamit sa pagsukat ng altitud