rating (réy•ting)
- 1:
- pag-uuri batay sa grado o ranggo
- 2:
- tinatayang katayuan ng isang tao o kompanya kaugnay ng kredit o katulad
- 3:
- por-siyento na mula sa sampling ng mga tagapakinig ng radyo o tagapanood ng telebisyon at nagpapahiwatig ng bílang ng mga tagapakinig o taga-panood ng isang partikular na prog-rama
- 4:
- itinakdang hanggahan o limitasyon ng boltahe, dalasan, at katulad batay sa tiyak na kalagayan