re


re (rey, ri)

png |Mus |[ Ing ]
1:
pantig na ginagamit para sa pangalawang tono sa eskalang diyatoniko
2:
tonong D.

re (ri)

pnt |Bat Kom |[ Lat res ]
1:
sa kaso ng
2:
may kaugnayan sa.

Re (ar i)

symbol |Kem |[ Ing ]

react (re·ákt)

pnd |[ Ing ]
1:
tumugon sa isang stimulus ; magbago o magpamalas ng ugaling bunga ng isang impluwensiya
2:
kumilos bílang tugon sa isang bagay
3:
kumilos tungo sa salungat na direksiyon o taliwas sa isang puwersa.

reactance (ri·ák·tans)

png |Ele |[ Ing ]
:
pagsalungat ng inductance at capacitance sa alternating current ; ipinapahayag sa ohm.

reaction (ri·ák·syon)

png |[ Ing ]

reactionary (ri·ak·syo·ná·ri)

png pnr |[ Ing ]

reactor (ri·ák·tor)

png |[ Ing ]

read (rid)

pnd |[ Ing ]
:
magbasá o bumasa.

reader (rí·der)

png |[ Ing ]

readership (rí·der·síp)

png |[ Ing ]
1:
mga mambabasá ng isang diyaryo, magasin, at katulad
2:
bílang o dami ng mga ito.

reading (rí·ding)

png |[ Ing ]

read-only memory (rid-ówn·li mé·mo·rí)

png |Com |[ Ing ]
:
memory na nagbabasá nang mabilis ngunit hindi maaaring baguhin ng mga utos ng programCf ROM.

ready (réd·i)

pnr |[ Ing ]
1:
handa ; nakahanda
2:
kompleto ang paghahandang isinagawâ
3:
nása hustong kondisyon para sa kagyat na pagkilos o paggamit ; maaaring gamitin anumang oras
4:
kompleto, isinaayos, at handa para sa isang okasyon o layunin
5:
agaran ; madalian

ready-made (réd·i méyd)

pnr |[ Ing ]
1:
gawâ na at maaari nang bilhin ; hindi na kailangang i-order pa, gaya ng damit
2:
para sa agarang paggamit
3:
hindi orihinal
4:
yari sa istandard na súkat.

re·ak·si·yón

png |[ Esp reacción ]
1:
pagkilos túngo sa salungat na direksiyon : REACTION
2:
pagkilos túngo sa konserbatismo sa politika : REACTION
3:
tugon sa isang impluwensiya, pangyayari, at katulad : REACTION
4:
tugon na damdamin : REACTION
5:
Med tugon ng katawan sa isang stimuli : REACTION
6:
Kem inter-aksiyon ng mga substance na dumadaan sa pagbabagong kemikal : REACTION

re·ak·si·yo·nár·yo

png |[ Esp reaccionario ]
1:
tao na may tendensiyang sumalungat sa pagbabago at magtaguyod ng pagbabalik sa dáting sistema : REACTIONARY
2:
Pol anumang laban sa progreso o lumalabag sa batas ng pagsulong ng kasaysayan : REACTIONARY

re·ak·tí·bo

pnr |[ Esp reactivo ]
1:
nagpapalakas ng reaksiyon
2:
tumutugon sa halip na nagpapasimula
3:
mahilig magbigay o gumawâ ng reaksiyon.

re·ák·tor

png |[ Ing reactor ]
1:
tao o bagay na may reaksiyon : REACTOR
2:
reaktor nuklear : REACTOR
3:
Ele bahagi na ginagamit upang magbigay ng reactance, lalo na ang isang inductor : REACTOR
4:
aparato para sa reaksiyong kemikal ng mga substance : REACTOR
5:
Med tao na may reaksiyon sa isang gamot : REACTOR

re·ak·tór núk·le·ár

png |[ Esp reactor nuclear ]
:
isang aparato o estruktura na lumilikha ng enerhiya mula sa kontroladong reaksiyon ng mga pinasiklab na atomo : NUCLEAR REACTOR

real (ril)

pnr |[ Ing ]

re·ál

png |Ekn |[ Esp ]
1:
dáting pilak na barya ng España, katumbas ng 12.5 sentimo Cf R8
2:
salapi sa Brazil, simula noong 1994 Cf R8

re·ál

pnr |[ Esp ]

real acuérdo (re·ál a·kwér·do)

png |Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, desisyong napagkaisahan ng mataas na hukuman sa pamumuno ng gobernador heneral.

real audiéncia (re·ál aw·di·yén·sya)

png |Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, kataas-taasang hukuman sa Filipinas na may gawaing tíla hukuman sa apelasyon at kasangguni ng gobernador heneral.

real estate (ril és·téyt)

png |Bat |[ Ing ]

real hacienda (re·ál as·yén·da)

png |Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Españyol, kagawaran ng tesoreriya.

re·a·li·dád

png |[ Esp ]

realign (ri·a·láyn)

pnd
1:
ituwid muli
2:
ihilera muli
3:
sumapi o sumáma muli
4:
muling makipag-alyansa o makihanay.

re·a·li·sá

pnd |i·re·a·li·sá, ma·re·a·li·sá |[ Esp realizar ]

realism (ri·ya·lí·sim)

png |[ Ing ]

re·a·lís·mo

png |[ Esp ]
1:
interes sa aktuwal o tunay sa halip na sa abstrakto : REALISM
2:
tendensiyang tingnan o ilarawan ang mga bagay nang matapat sa kanilang tunay na pag-iral : REALISM
3:
Sin paglalarawan sa sining na tíla buong buong kinopya ang tao, pangyayari, o bagay nang wari ay walang ginawâng anumang pagpapaganda, pagpapakinis, o pagdaragdag : REALISM
4:
Lit teorya sa pagsusulat na nagdidiin sa paglalahad ng ordinaryo, pamilyar, at pangkaraniwang aspekto ng buhay sa paraang matapat o tunay at walang binabago : REALISM
5:
Pil doktrina na nagsasaad na may obhetibong pag-iral ang mga katunayang ipinalalagay na unibersal ; doktrinang nagsasaad na ang anumang nakikíta, nararamdaman, naririnig, at nalalasahan ay umiiral nang bukod sa paningin, pandinig, panlasa, at pandamá : REALISM

re·a·lís·mong sos·ya·lís·ta

png |Lit Sin |[ Esp realismo+Tag na Esp socialista ]
:
social realism.

realist (rí·ya·líst)

png |[ Ing ]

re·a·lís·ta

png |[ Esp ]
1:
tao na may tendensiyang tingnan o ilarawan ang bagay-bagay sa paraang matapat sa tunay na pag-iral : REALIST
2:
Lit Sin artista o manunulat na nagtataguyod ng realismo : REALIST
3:
Pil disipulo ng doktrina ng realismo : REALIST

realistic (ri·ya·lís·tik)

pnr |[ Ing ]

re·a·lis·tí·ko

pnr |[ Esp realista+ico ]
1:
interesado o batay sa kung ano ang tunay o praktikal : REALISTIC
3:
hinggil sa realismo : REALISTIC

reality (ri·yá·li·tí)

png |[ Ing ]

re·ál·se

png |Sin |[ Esp realce ]
:
pag-ukit o paghubog nang paumbok.

ream (rim)

png |[ Ing ]

reap (rip)

pnd |[ Ing ]
1:
gapasin sa pamamagitan ng karit o makina

reaper (rí·per)

png |[ Ing ]
1:
táong gumagapas
2:
makina para sa paggapas o pag-ani.

rear (rir)

png |[ Ing ]
1:
bahaging nása likuran ng anuman
2:
espasyo sa likod o posisyon sa likuran ng anuman
3:
Mil pinakahulíng bahagi ng hukbong sandatahan o hukbong-dagat
4:

reason (rí·zon)

png |[ Ing ]

re·bá·li·dá

png |[ Esp revalidá ]
:
pasalitâng pagsusulit ng estudyante sa kolehiyo hinggil sa ginawang tesis.

rebate (rí·beyt)

png |[ Ing ]
1:
pagbabalik ng bahagi ng orihinal na ibinayad

Rebecca (ri·bék·a)

png |[ Ing Heb ]
:
sa aklat ng Henesis sa Bibliya, asawa ni Isaac at ina nina Esau at Jacob.

ré·bel

png pnr |[ Ing ]

re·be·la·dór

png |[ Esp revelador ]
1:
aparato, kemikal, at mga materyales na ginagamit sa pagdevelop ng retrato
2:
tao na nagdedevelop ng mga retrato.

re·be·las·yón

png |[ Esp revelación ]
1:
anumang ibinunyag : REVELATION
2:
paghahayag ng karunungan ng Diyos sa tao : REVELATION
3:
nása malakíng titik, pangwakas na aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya : REVELATION

re·bél·de

png |[ Esp ]
1:
tao na may paninindigang salungat sa isang establisadong gobyerno : INSURÉKTO, INSURGENT, MANGHIHIMAGSÍK1, RÉBEL
2:
tao na tumatangging maging matapat at naghihimagsik sa pamahalaan : INSURÉKTO, INSURGENT, MANGHIHIMAGSÍK1, RÉBEL
3:
tao na sumusuway sa anumang batas, awtoridad, kontrol, o tradisyon : INSURÉKTO, INSURGENT, MANGHIHIMAGSÍK1, RÉBEL

rebellion (ri·bél·yon)

png |[ Ing ]
:
himagsík4 o paghihimagsik.

re·bel·yón

png |[ Esp rebelión ]
:
h-magsík4 o paghihimagsik.

re·ben·ta·dór

png |[ Esp reventador ]
:
paputok na yarì sa binalot na pulbura na may mitsa at biglang sumisiklab at pumuputok kapag sinindihan : PAKBÓNG1, FIRECRACKER

re·be·ré·be

pnb |Kol
:
mabilisan at walang ingat kahit hindi pa handa.

re·be·rén·do

png |[ Esp reverendo ]
:
pangalang pandangal na karaniwang nása malakíng titik, taguri ng paggálang na karaniwang ikinakabit sa unahán ng pangalan ng pari, ministro, pastor, o sinumang inordina para sa tungkuling panrelihiyon : REVEREND

re·ber·sí·ble

pnr |[ Esp reversible ]
1:
maaaring baligtarin : DÓBLEKÁRA2, REVERSIBLE
2:
sa tela, hinabi o idinisenyo upang maaaring ilantad ang alinmang panig : DÓBLEKÁRA2, REVERSIBLE
3:
maaaring isuot nang baligtaran, gaya ng jaket : DÓBLEKÁRA2, REVERSIBLE

re·ber·si·yón

png |[ Esp reversion ]
1:
pagbalik sa dáting kalagayan, kilos, gawi, paniniwala, at katulad : REVERSION
2:
Bat karapatang legal, lalo na ng orihinal na may-ari o ng kaniyang mga tagapagmana, na ariin o manahin ang ari-arian kapag namatay ang kasalukuyang may-ari nitó ; o ang nasabing ari-arian : REVERSION
3:
Bio muling paglitaw ng mga katangian ng lahi na nawala nang matagal sa mga nakaraang henerasyon ; o pagbalik sa sinaunang uri : REVERSION

re·ber·tí·do

pnr |[ Esp revertido ]
:
ibinalik o isinauli.

re·be·sí·no

png |[ Esp revesino ]
:
uri ng sugal sa baraha.

re·bi·sá

pnd |mag·re·bi·sá, re·bi·sa·hín |[ Esp revisar ]
1:
suriin o muling suriin at baguhin : REVISE
2:
pag-isipan at baguhin : REVISE
3:
pag-aralang muli ang mga napag-aralan na upang maghanda para sa isang pagsusulit : REVISE

re·bi·sá·do

pnr |[ Esp revisado ]

re·bis·yón

png |[ Esp revisión ]
1:
proseso ng pagrebisa : REVISION
2:
mga pagbabago
3:
binagong anyo o bersiyon, gaya ng aklat : REVISION

re·bis·yo·nís·mo

png |[ Esp revisionismo ]
1:
pagtataguyod sa o pag-aproba ng rebisyon o pagbabago : REVISIONISM
2:
Pol sa mga Marxista, anumang paglihis sa doktrina, teorya, o kaugalian : REVISIONISM
3:
paglihis sa anumang awtoratibo at tinatanggap ng karamihan na mga doktrina, teorya, o kaugalian : REVISIONISM

re·bis·yo·nís·ta

png |[ Esp revisionista ]
1:
tagapagtaguyod ng rebisyon o pagbabago lalo na sa doktrinang pampolitika o panrelihiyon : REVISIONIST
2:
tao na bumabago : REVISIONIST
3:
alagad ng rebisyonismo : REVISIONIST

re·bo·ká

pnd |i·re·bo·ká, mag·re·bo·ká, re·bo·ka·hín |[ Esp revocar ]
1:
bawiin, ikansela, o iurong : REVOKE
2:
pawalang bisa : REVOKE

re·bo·kas·yón

png |[ Esp revocación ]
2:
Bat pagbawi o pagkansela.

re·ból·ber

png |[ Ing Esp revolver ]
1:
baril na may umiinog na silinder at kamarang sisidlan ng mga bála na maaaring paputukin nang sunod-sunod Cf PISTÓLA
2:
anuman o sinumang umiinog.

re·bol·kár

pnd |i·re·bol·kár, mag·re·bol·kár, ma·re·bol·kár |[ Esp revolcar ]
:
matagpuan o maláman, gaya ng isang nabulgar na anomalya.

re·bo·lus·yón

png |[ Esp revolución ]
2:
ganap na pagbabago : REVOLUTION
3:
inog o pag-inog : REVOLUTION

re·bo·lus·yo·nár·yo

png |[ Esp revolucionario ]
:
tao o pangkat na kasangkot sa rebolusyon : MANGHIHIMAGSÍK2

re·bo·lus·yo·nár·yo

pnr |[ Esp revolucionario ]
1:
hinggil sa o may katangian ng isang rebolusyon o ganap at kapansin-pansing pagbabago : REVOLUTIONARY
3:
nagdudulot ng rebolusyong pampolitika : REVOLUTIONARY

Re·bo·lus·yóng Rú·so

png |Kas |[ Esp Revolucion+Tag ng Esp Ruso ]
1:
pag-aalsa sa Russia noong Marso 1917 na nagdulot ng pagguho ng pamahalaang pinamumunuan ng Tsar at nagtatag ng probisyonal na pamahalaan ; tinaguriang Rebolusyong Pebrero
2:
pagguho sa nasabing probisyonal na pamahalaan dahil sa isang kudeta noong 7 Nobyembre 1917 at nagtatag ng Soviet Union ; tinaguriang Rebolusyong Oktubre.

re·bo·sá·do

pnr |[ Esp rebozado ]
:
sa pagluluto, inilubog sa bater at ipinirito nang nakalubog sa mantika, gaya ng kamaron rebosado.

re·bó·te

png |Isp |[ Esp ]
1:
pagtalbog ng bola sa haligi o poste
2:
sa jai-a-lai, uri ng pagbató o paghagis sa bola.

rebound (ri·báwnd)

png |Isp |[ Ing ]
1:
sa basketbol, bola na tumalbog mula sa board o rim ng basket
2:
pagkuha sa nasabing bola.

rebound (ri·báwnd)

pnd |[ Ing ]
1:
tumalbog dahil sa puwersa ng pagsalpok
4:
magkaroon ng hindi kanais-nais na epekto sa gumawâ o kumilos.

re·bul·si·yón

png |[ Esp revulcion ]
1:
bigla at marahas na pagbabago ng damdamin : REVULSION
2:
matinding damdamin ng pagkasuklam, pagkayamot, o pagkasuya : REVULSION

re·búl·to

png |[ Esp re+avultado ]

recall (ri·kól)

pnd |[ Ing ]
2:
pabalikin ; ibalik
3:
pawalang-bisa ; bawiin
4:
Pol ikansela o suspendihin ang pagkakatalaga, gaya sa opisyal na pampubliko.

recap (rí·kap)

pnd |[ Ing ]
1:
palitan ang napudpod na bahagi ng gulóng ng sasakyan sa pamamagitan ng pagbulkanisa
2:
pinaikling recapitulation.

recapitulation (rí·ka·píts·u·léy·syon)

png |[ Ing ]

receipt (ri·sít)

png |[ Ing ]

receive (ri·sív)

pnd |[ Ing ]
1:
tumanggap o tanggapin
3:
dumanas o danasin
4:
sumalubong o salubungin.

receiver (ri·sí·ver)

png |[ Ing ]
1:
sinuman o anumang tumatanggap
2:
bahagi ng makina o instrumento na tumatanggap ng tunog, senyas, at katulad, gaya sa bahagi ng telepono na naglalamán ng bahaging pantainga
3:
Bat tao na itinalaga ng hukuman na pansamantalang mangasiwa sa negosyo at ari-arian ng isang tao sa panahon ng litigasyon
4:
Isp sa beysbol, ang catcher ; sa futbol, manlalaro sa koponang opensiba na sumasalo, may karapatang sumalo, at may kakayahang sumalo ng forward pass.

receptacle (ri·sép·ta·kél)

png |[ Ing ]

reception (ri·sép·syon)

png |[ Ing ]

receptionist (ri·sép·syo·níst)

png |[ Ing ]
1:
tao na tumanggap ng bisita, kliyente, o tawag sa telepono ang gawain sa isang hotel, opisina, at katulad
2:

receptor (re·sép·tor)

png |Pis |[ Ing ]

recess (ri·sés, rí·ses)

png |[ Ing ]
2:
papaloob o nakatagong bahagi o espasyo
3:
Heo bahaging papaloob sa isang hanay ng mga bundok.

recession (ri·sé·syon)

png |[ Ing ]
1:
Ekn pansamantalang paghina ng mga aktibidad o kasaganaan ng ekonomiya
2:
pag-urong mula sa isang pook o púnto
3:
papaloob na bahagi ng dingding, gusali, at katulad
4:
anumang bahaging umuurong
5:
hanay ng mga tao na papalabas ng simbahan pagkatapos ng anumang seremonya o ritwal.

recipient (ri·síp·yént)

png |[ Ing ]

reciprocal (ri·síp·ro·kál)

png |Mat |[ Ing ]
:
ekspresyon o funsiyon na kaugnay ng isa pa na kapag pinagmultiplika ay magiging product ang isa.

reciprocal (ri·síp·ro·kál)

pnr |[ Ing ]
1:
tumutukoy sa magkabilâng panig ; o sa bawat isa
2:
tumutukoy sa kapalit o anumang katumbas na ibinigay.

reciprocity (ri·sip·ró·si·tí)

png |[ Ing ]

recital (re·sáy·tal)

png |[ Ing ]
1:
pagtatanghal ng isang programang pangmusika ng iisang musiko, mang-aawit, o ng isang maliit na pangkat
2:
katulad na pagtatanghal sa ibang larangan, hal sa sayaw
3:
Bat bahagi ng isang dokumentong legal na nagsasaad ng mga katunayan
4:
pagsasalaysay ; pagkukuwento
5:
detalyadong pagsasaad.

recitation (ré·si·téy·syon)

png |[ Ing ]
1:
pagbigkas nang malakas ng tula o talumpati sa harap ng mga tagapakinig o tagapanood
2:
pagbanggit nang sunod-sunod
3:
pabigkas na tugon ng isang mag-aaral sa kaniyang guro tungkol sa aralin
4:
tula o anumang prosa na isinaulo at binibigkas.

recite (ri·sáyt)

pnd |[ Ing ]
1:
tumula o bumigkas ng isinaulong tula o talumpati
2:
tumugon, halimbawa sa tanong ng guro
3:
magsalaysay o isalaysay
4:
isa-isang isalaysay o sabihin nang sunod-sunod.

reclaim (ri·kléym)

pnd |[ Ing ]
1:
bawiin o ibalik muli ang karapatan, ari-arian, at katulad
2:
angkinin muli
3:
gawing kapaki-pakinabang ang lupang ilang, tubigan, at katulad
4:
kunin muli ang mga substance sa anyong puro at kapaki-pakinabang mula sa itinapon o ibinasurang mga bagay Cf RECYCLE
5:
ibalik sa nais na paraan ng pamumuhay, idea, at katulad.

recognition (ré·kog·ní·syon)

png |[ Ing ]