real
re·ál
png |Ekn |[ Esp ]
1:
dáting pilak na barya ng España, katumbas ng 12.5 sentimo Cf R8
2:
salapi sa Brazil, simula noong 1994 Cf R8
real acuérdo (re·ál a·kwér·do)
png |Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, desisyong napagkaisahan ng mataas na hukuman sa pamumuno ng gobernador heneral.
real audiéncia (re·ál aw·di·yén·sya)
png |Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, kataas-taasang hukuman sa Filipinas na may gawaing tíla hukuman sa apelasyon at kasangguni ng gobernador heneral.
real hacienda (re·ál as·yén·da)
png |Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Españyol, kagawaran ng tesoreriya.
realign (ri·a·láyn)
pnd
1:
ituwid muli
2:
ihilera muli
3:
sumapi o sumáma muli
4:
muling makipag-alyansa o makihanay.
re·a·li·sá
pnd |i·re·a·li·sá, ma·re·a·li·sá |[ Esp realizar ]
re·a·lís·mo
png |[ Esp ]
1:
interes sa aktuwal o tunay sa halip na sa abstrakto : REALISM
2:
tendensiyang tingnan o ilarawan ang mga bagay nang matapat sa kanilang tunay na pag-iral : REALISM
3:
Sin
paglalarawan sa sining na tíla buong buong kinopya ang tao, pangyayari, o bagay nang wari ay walang ginawâng anumang pagpapaganda, pagpapakinis, o pagdaragdag : REALISM
4:
Lit
teorya sa pagsusulat na nagdidiin sa paglalahad ng ordinaryo, pamilyar, at pangkaraniwang aspekto ng buhay sa paraang matapat o tunay at walang binabago : REALISM
5:
Pil
doktrina na nagsasaad na may obhetibong pag-iral ang mga katunayang ipinalalagay na unibersal ; doktrinang nagsasaad na ang anumang nakikíta, nararamdaman, naririnig, at nalalasahan ay umiiral nang bukod sa paningin, pandinig, panlasa, at pandamá : REALISM
re·a·lís·mong sos·ya·lís·ta
png |Lit Sin |[ Esp realismo+Tag na Esp socialista ]
:
social realism.
re·a·lís·ta
png |[ Esp ]
1:
tao na may tendensiyang tingnan o ilarawan ang bagay-bagay sa paraang matapat sa tunay na pag-iral : REALIST
2:
3:
re·a·lis·tí·ko
pnr |[ Esp realista+ico ]
1:
interesado o batay sa kung ano ang tunay o praktikal : REALISTIC
3:
hinggil sa realismo : REALISTIC
re·ál·se
png |Sin |[ Esp realce ]
:
pag-ukit o paghubog nang paumbok.