realism


realism (ri·ya·lí·sim)

png |[ Ing ]

re·a·lís·mo

png |[ Esp ]
1:
interes sa aktuwal o tunay sa halip na sa abstrakto : REALISM
2:
tendensiyang tingnan o ilarawan ang mga bagay nang matapat sa kanilang tunay na pag-iral : REALISM
3:
Sin paglalarawan sa sining na tíla buong buong kinopya ang tao, pangyayari, o bagay nang wari ay walang ginawâng anumang pagpapaganda, pagpapakinis, o pagdaragdag : REALISM
4:
Lit teorya sa pagsusulat na nagdidiin sa paglalahad ng ordinaryo, pamilyar, at pangkaraniwang aspekto ng buhay sa paraang matapat o tunay at walang binabago : REALISM
5:
Pil doktrina na nagsasaad na may obhetibong pag-iral ang mga katunayang ipinalalagay na unibersal ; doktrinang nagsasaad na ang anumang nakikíta, nararamdaman, naririnig, at nalalasahan ay umiiral nang bukod sa paningin, pandinig, panlasa, at pandamá : REALISM

re·a·lís·mong sos·ya·lís·ta

png |Lit Sin |[ Esp realismo+Tag na Esp socialista ]
:
social realism.