sab•láy 1: hindi pagtama, gaya ng sablay na suntok o ulos 2: anumang inilalagay nang paalampay sa balikat, bílang bahagi ng pormal na kasuotan 3: tawag sa bánda na isinusuot nang pasablay sa katawan, gaya sa kasuotang akademiko sa Unibersidad ng Pilipinas na isinusuot sa ibabaw ng pormal na pananamit 4: blusang may manggas na hanggang baywang