• sak•sák

    1. 1:
      sugat na likha ng tulis ng patalim
    2. 2:
      pagsiksik sa lalagyan
    3. 3:
      paghiwa upang lumiit o maging pira-piraso, gaya ng pagsaksak ng bloke ng yelo
    4. 4:
      kanin na hinaluan ng tinadtad na gabe o kamote
  • sak•sák

    1. 1:
      tusukin o sugatan sa pamamagitan ng sandatang matalim
    2. 2:
      balasahin ang baraha
    3. 3:
      tabasin ang tabla
  • sák•sak

    1. :
      malakíng uri ng pipit1 (Bradypterus caudatus) na mahilig mamalagi sa lupa, mahabà ang buntot, kayumanggi ang buong katawan na may mga bátik na itim at abuhin sa paligid ng matá