• sa•là
    png
    1:
    [Hil Seb Tag] paraan ng paghihiwalay ng mapipino at ng makakapal na butil, ng dumi, o ng ibang substance sa pamamagitan ng tela o bistay
    2:
    [Kap] liwanag1 o ilaw
  • sa•lâ
    pnr
    :
    nabalìng butó o nawala sa tunay na ayos
  • sá•la
    pnr
    1:
    hindi tumamà ang ulos, suntok, o punglo; malayò o lihis sa nais patamaan ng ulos, suntok, o punglo
    2:
    [Kap] ligtâ
  • sá•la
    pnd
    :
    patamain ang ulos, suntok, o punglo nang lihis sa dapat asahan
  • sa•lâ
    png | [ Bik ]
  • sa•lá
    png
    1:
    [Kap Tag] paraan ng maluwag na paglála, hal salá ng mga patpat ng kawayan na ginagamit na bakod ng halámanan o kulungan ng manok
    2:
    [Kap] sála1
  • sá•la
    png
    1:
    [Bik Kap Mag Pan Tag] anumang ginawâ na labág sa batas o tuntunin ng isang kultura, organi-sasyon, o institusyon
    2:
    [Esp] silid sa pagtanggap ng mga bisita
    3:
    [Ilk] sayaw1
    4:
    [Kap] liban3
  • pre•si•dén•te de sá•la
    png | Kas | [ Esp ]
    :
    noong panahon ng Espanyol, hukom na namamahala sa kamarang kri-minal o sibil ng real audiencia.