salungat


sa·lu·ngát

pnr
1:
laban sa anumang puwersa, hal salungat sa hangin, sa kahirapan, o sa idea : ANTITÉTIKÓ, BANGBÁNG, CONTRARY, SALANSÁNG, SALUNGSÓNG, SÓPAK, SUNGPÁ, SUPÁDI Cf LÁBAN
2:
ginawâ ang isang bagay sa paraang lihis sa karaniwan, hal inahit ang buhok sa ulo pataas.

sá·lu·ngá·tan

png |[ salungát+an ]
:
anumang hindi maayos na ugnayan ng dalawa o mahigit na panig : CONFLICT, DIPERÉNSIYÁ, LABANÁN, HIDWÀAN