sandata


san·dá·ta

png |[ Kap Tag ]
:
bagay na idinisenyo o ginagamit upang maka-sugat, makasakít, o makapatáy, hal patalim, baril : ARMS, ARMÁS, GOMÉEN, HINAGIBÁN, HINGANÍBAN, ÍGAM, WÁTWAT, WEAPON

sán·da·ta·hán

png |[ sandata+han ]
:
pangkat na may sandata at handang makipaglaban.

san·dá·tang nuk·le·ár

png |[ sandata+ ng Esp nuclear ]
:
malakas na sumasabog na sandata batay sa hindi makontrol na pagpapalabas ng enerhiya mula sa atomic nuclei : NUKE, NUCLEAR WEAPON