sangka
sáng·ka
png |[ Seb ]
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, pagkikil ng ngipin upang pantayin.
sang·kál
png
1:
paninigas ng súso dahil punô ng gatas
2:
mga kurbada ng bangka na ginagamit na upuan
3:
patpat na ginagamit sa paghahabi.
sang·kál
pnd |sang·ka·lín, su·mang·kál
:
sumúso, karaniwang gamit sa ganitong gawain ng tutà, bulô, at ibang hayop.
sang·ká·lan
png
1:
makapal at karaniwang malakíng bloke ng kahoy na pinagtatadtaran at pinaghihiwaan ng gulay, karne, at iba pa : CHOPPING BLOCK,
GIRIPÂ,
LANDÁG3,
LANGDÉT,
PATANGÍN,
TADTÁRAN,
TALAGDÁNAN
2:
mga pinagkrus na bakal na ikinakabit sa bangka upang maging matibay
3:
ang ginamit na dahilan upang makalusot sa isang kasalanan.
sang·káp
png
1:
[Bik Hil Kap Seb Tag War]
bagay na bumubuo sa anuman o bahagi ng kabuuan : ELEMÉNTO2,
INGREDIENT,
KOMPOSISYÓN1
2:
[Hil Kap Tag]
lahok o halò sa anuman, gaya ng sangkap sa pagkain : INGREDIENT,
REKÁDO,
SAGÓL,
WAKYÂ3
sang·ká·pat
pnr |Mat |[ isa+ng+apat ]
2:
[ST]
12 ½ ng sentimo.
sang·ka·pu·lu·án
png |[ isa+na+ka+pulo+an ]
:
buong kapuluan.
sang·ká·tay
png |[ isa+na+katay ]
1:
isang pirasong hiwa ng karne Cf TAHÁDA
2:
isang tumpok ng isda o talì ng gulay.
sang·ká·yaw
png
1:
mesang makitid na yarì sa kawayan
2:
anumang suporta o hawakán upang maging magaan ang dinadalá, gaya ng sa pingga
3:
patungan ng paa, gaya ng sa silya at mesa.