sangkap


sang·káp

png
1:
[Bik Hil Kap Seb Tag War] bagay na bumubuo sa anuman o bahagi ng kabuuan : ELEMÉNTO, INGREDIENT, KOMPOSISYÓN
2:
[Hil Kap Tag] lahok o halò sa anuman, gaya ng sangkap sa pagkain : INGREDIENT, REKÁDO, SAGÓL, WAKYÂ

sang·ká·pat

pnr |Mat |[ isa+ng+apat ]
1:
isa sa apat na bahagi ng isang buong hinati : KUWÁRTO, QUARTER, SAIKÁPAT
2:
[ST] 12 ½ ng sentimo.

sang·ka·pu·lu·án

png |[ isa+na+ka+pulo+an ]
:
buong kapuluan.