punongkahoy (Pouteria sapota) na tumataas nang 15 m, may bungang bilugan at may lamáng kakulay ng tsiko at nakakain, katutubò sa Mexico at Gitnang Amerika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol
sa•pó•te nég•ro
:
punongkahoy (Diospyros ebenaster) na 20 m ang taas, eliptiko ang mga dahon, may bungang bilóg na malamán at nakakain, at ipinasok sa Filipinas mula Mexico noong panahon ng Espanyol