taba


ta·bà

png |[ ST ]
:
pagpútol ng mga punò sa isang lupain upang gawing taniman.

ta·bâ

png
1:
Bio malangis at dilaw o putîng substance na nabubuo sa tissue ng hayop ; o katulad na substance sa haláman : FAT, GÁBOT, SÉBO
2:
pagiging mabigat kaysa karaniwan o pagiging mabilog ng katawan : FAT, LANÂ, TÁMBOK
3:
lusog ng lupa na mainam sa pagtatanim ; kung sa punongkahoy, pagiging hitik sa bunga : FAT

ta·ba·á·has

png |Bot
:
yerba (Aerua lanata ) na may sali-salising tambilog na dahon at maraming bulaklak na pinakukuluan kapag ginagamit na pampaihi at gamot sa gonorea.

tá·bab

png |Agr |[ Ifu ]
1:
lápad ng pahalang na rabáw ng payyo o bintaw
2:
loob ng payyo o espasyo sa pagitan ng tapig at ng lupang tinatamnan Cf PÍTAK

ta·bád

png |Med
:
proseso ng pagpapadugô.

tá·bad

png
1:
tubig na ibinabanto o idinadagdag upang pahinain ang bisà ng alak o anumang likido Cf TÁBAG
2:
[Tbw] pangásiginagamit sa ritwal na pagdiwata.

ta·bád·lo

png |Zoo |[ Seb ]

ta·bág

png |[ ST ]
:
paggutom sa hayop bago katayin — pnd i·ta·bág, mag· ta·bág, ta·ba·gín.

tá·bag

png
1:
[ST] anumang idinadagdag upang palitán ang nawala, nasirà, o nagamit sa proseso ng pagluluto o paggawâ ng isang bagay Cf TÁBAD
2:
[ST] tubig na isinasaboy sa alkitran upang mabawasan ang init nitó
3:
[Iba] sagót

ta·ba·gák

png |Zoo |[ Seb ]

ta·ba·gán

png
:
kulúngan o hapunán ng manok.

ta·ba·gán

pnr
:
malakí o maumbok, karaniwan sa mukha Cf MAGÂ

ta·ba·gá·nan

png |Mus |[ Klg Tgk ]
:
ikat-long gong sa tangunggu.

ta·bag·hák

png |Med

ta·bá·go

png |Zoo |[ Seb ]

ta·bák

png |[ ST ]
2:
hindi pantay na habi o tabas ng damit.

ta·ba·ka·lé·ra

png |[ Esp tabacalera ]
:
tao na nagtatanim ng tabako.

ta·ba·ke·rí·ya

png |[ Esp tabaquería ]
:
págawáan o tindáhan ng sigarilyo.

ta·ba·ké·ro

png |[ Esp tabaquero ]
:
laláking gumagawâ ng sigarilyo, ta·ba· ké·ra kung babae : MAGTÁTABÁKO

ta·bá·ko

png |[ Esp tabaco ]
1:
Bot malakí at mabalahibong yerba (Nicotiana tabacum ) na may putî o pink na mga bulaklak at malalakí ang mga dahon, katutubò sa Timog America : PINÁDIS, TOBACCO
2:
ang pinatuyông dahon ng nasabing haláman na ginagawâng sigarilyo o maskada : PINÁDIS, TOBACCO
3:
malakíng bilot ng hititing tabako : ABÁNO, CIGAR, SIGÁRO, TOBACCO

ta·ba·kú·han

png |Agr |[ tabako+han ]
:
taníman ng tabako.

tá·bal

png
1:
paghabà at paglago, gaya ng pagtabal ng buhok, talahib, at iba pa — pnd pa·ta·bá·lin, tu·má· bal
2:
pagputol sa mga dahon ng lumalagong talahib, humahabàng buhok, at iba pa — pnd mag·tá·bal, ta·bá·lan, ta·bá·lin
3:
Bot maliit na niyog, na kinakaing may balát at buong-buo.

tá·bal

pnr |Bot
:
sa haláman, napakaraming dahon kayâ hindi namumunga.

ta·bá·lik

png |Zoo |[ Mrw ]

ta·ba·lù

pnb |[ Kap ]

tá·ban

png
1:
paghawak upang hindi mabuwal ang nakatayông bagay
2:
pagtakas nang mabilis
3:
[Seb] tánan — pnd mag·tá·ban, ta·bá· nan, tu·má·ban.

ta·báng

png
1:
[Ilk Iva Kap Pan Tag] kakulangan sa lása : LABSÁY, TÁB-ANG, TAMNÁY
2:
kawalan ng gana o sigla sa pakikitúngo
3:
Med pagiging magâ.

táb-ang

png |[ Hil Seb Tag War ]

tá·bang

png
1:
[Bik Mag Mrw Seb Tau] túlong
2:
Zoo [Kap] aligí.

ta·báng-ba·yá·wak

png |Bot |[ taba+ng +bayawak ]
:
palumpóng (Flemingia strobilifera ) na may maliliit na bulak-lak, at maumbok na súpot ng butó : GÁNGAN, KOPKOPÉYES, PANÁPARÁHAN, PAYANGPAYANG

ta·báng-há·ngin

pnr |[ taba+na+ hangin ]
:
hindi siksik ang tabâ, sanhi ng kawalan ng ehersisyo o hindi paggawâ Cf MANÁS

ta·báng·ko

png |Zoo |[ Bik ]

ta·ba·ngó·ngo

png |Zoo |[ Pan ]

ta·bán·ko

png |Zoo |[ Seb ]

ta·bá·nog

png |[ Seb ]

ta·bár

png |Med |[ ST ]
:
paghiwa ng isang bahagi ng katawan upang alisin ang nabubulok na dugo Cf TABAD

tá·bar

png |[ ST ]
:
pagbabanto ng tubig sa alak o tubâ.

ta·ba·ró·yan

png |Zoo |[ Bik ]

tá·bas

png
1:
[Bik Hil Ilk Kap Pan Seb War] paraan ng gupít o paggupít
2:
itsúra — pnd mag·tá·bas, ta·bá·sin, tu·má·bas
3:
Zoo [Seb Tag] tsabíta.

ta·bás·ko

png |[ Mex Tabasco ]
:
salsa o pampalasang gawâ sa sili.

tá·bas-tá·bas

png |Bot
:
uri ng yerbang ginagamit na purga.

ta·bá-ta·ba·kú·han

png |Bot |[ taba+t abáko+han ]

ta·bá·tib

png |Bot
:
matabâng baging (Rhaphidophora merrillii ) na gumagapang sa katawan ng punongka-hoy at may mga dahong hugis itlog : ÁMLONG, BAKÁG, BAGÁK, BALIKUPKÚP, DIBÁTIB, TAMPÍM-BANÁL

ta·bát·soy

pnr |Kol
:
matabâ var tabatsúy

tá·baw

png
1:
sistema ng transportasyon sa paghahatid ng mga tao, bagay, at iba pa túngo sa kabilâng pampang
3:
Bot pu-nongkahoy (Lumnitzera racemosa ) na tumataas nang 18 m : KULÁSI, SULÁSI

tá·baw·tá·baw

png |Bot |[ Ilk ]
:
baging (Luffa cylindrica ) na may dilaw na bulaklak, mapait na bunga, at karaniwang makikíta sa sapà, pampang, at iba pa : PATÓLANG BILOG

tá·bay

png |Zoo |[ Pan ]

ta·ba·yág

pnr |[ ST ]
1:
tulóg o natutúlog nang walang kumot
2:
lumalakad nang maikli ang kasuotan.

ta·bá·yag

png
1:
Bot úpo
2:
[Seb] sisidlan na gawâ sa pinatuyông balát ng kalabasa.

ta·ba·yán

png |[ Ifu ]
2:
Ark poste ng tradisyonal na bahay.

ta·ba·yáw

png |[ Pan ]

ta·ba·yóng

png |Zoo |[ Seb ]