tainga


ta·í·nga

png
1:
Ana organ ng pandinig at panimbang ng tao at mga vertebrate : BALÚGBUG, BÚNGOL, DALÚNGGAN, EAR, LAPAYAG, LAYÁG, TADÍNYA, TALÍNGA, TANGÍLA var taynga, tenga
2:
Zoo bahagi ng katawan ng ibang hayop na sensitibo sa tunog : BALÚGBUG, BÚNGOL, DALÚNGGAN, EAR, LAPAYAG, LAYÁG, TADÍNYA, TALÍNGA, TANGÍLA var taynga, tenga
3:
bagay na hugis tainga : BALÚGBUG, BÚNGOL, DALÚNGGAN, EAR, LAPAYAG, LAYÁG, TADÍNYA, TALÍNGA, TANGÍLA var ténga, táynga
4:
hawakan ng sisidlan, gaya ng tainga ng tása
5:
Med [ST] pamamaga ng kuko sa isang bahagi at magkaroon ng nana
6:
Med [ST] kapirasong balát sa tungâ na nagdudulot ng matinding kirot.

ta·í·ngam·bá·buy

png |Bot |[ taínga+ ng+báboy ]
:
maliit na punongkahoy (Gonocaryum calleryanum ) na may mahahabà at maliliit na sanga, at tíla nuwes ang bungang kulay lilang-itim at may matigas na putîng lamán na nababalutan ng mabunot na talupak.

ta·í·ngam·bu·háy

png |Bot |[ Tag taínga +na+buháy ]

ta·i·ngáng-da·gâ

png |[ taínga+ng+ daga ]
1:
Bot uri ng kabute (genus Auricularia ) na matatagpuan sa mga patáy na kahoy, nakakain, at karaniwang inihahalò sa pansit : KULAKDÓP
2:
Bot gumagapang na yerba (Oxalis repens ), may bulaklak na kulay dilaw, lima ang talulot, at may bungang mabalahibo at tíla kapsula, natatagpuan sa lahat ng mainit na pook sa daigdig : DARAÍSIG, MALABALÚGBUG-DAGÍS, MARASÍKSIK, PÍKHIK

ta·í·ngang-ka·wa·lì

pnr |[ tainga+ng+ kawalì ]
:
nagbibingi-bingihan, lalo na sa dumadaing.