tano
Tá·no
png |Lit
:
tauhan sa El Filibusterismo, panganay na anak ni Kabesang Tales, naging guwardiya sibil, at nabaril ang hindi nakilálang sariling ama.
ta·nó·bong
png |Say |[ Pan ]
:
sayaw na naglalarawan sa paggawâ ng walis.
ta·nóng
png
1:
ka·ta·nú·ngan bagay na inaalam, pinag-uusapan, o pinagtatalunan, karaniwang may angkop na kasagutan o lunas : KAPÓT2,
KUWESTIYÓN,
PAKIÁNA,
PANGUTÁNA2,
QUERY1,
QUESTION1,
SALÚDSUD,
TEPÉT
2:
pag·ta·ta·nóng paraan ng sunod-sunod na tanong o usisa lalo na ang may layuning makakuha ng mga personal o lihim na impormasyon : INQUIRY2,
INTERROGATION,
INTEROGASYÓN,
QUESTION2
ta·no·óng
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng kahoy na may halimuyak.
ta·nór
png |[ Esp ]
:
tao na itinalaga ng pari para maglinis at mag-ayos ng dekorasyon ng simbahan.