ta•rát : ibon (family Laniidae) na katamtaman ang lakí at katangi-tangi sa matigas at matalim na nakakurbang pang-itaas na tuka na ginagamit sa pagdagit ng maliliit na ibon, bubuli, at mga kulisap
ta•rát san diego (ta•rát san di•yé•go) : malakíng uri ng tarat (Lanius schach) na mahabà ang bun-tot at kapansin-pansin ang itim na itim na ulo at putîng ilalim ng mukha at leeg