malaking punongkahoy na kauri ng balete, katutubò sa India at ipinasok sa Filipinas noong unang panahon, tinatawag ding bodhi tree dahil sa istorya na Budha
punongkahoy (Bauhinia variegata) na 10 m ang taas, may mga bulaklak sa maikling tangkay, at malapad ang mga talulot na nagkakasuson at lila o putî ang kulay, katutubò sa Tsina at India at ginagamit na halámang ornamental sa Filipinas