tumal


tú·mal

png
1:
[ST] pagpuról ng talím ng kasangkapan
2:
pagiging mabagal, hal tumal ng lakad o tumal ng kain — pnr ma·tú·mal.

tu·ma·la·mâ

pnr |Med |[ ST ]
:
hindi lubusang pagtalab o pagtagos.

tu·ma·la·mák

pnr |Med |[ ST ]
:
lubusang tumalab o tumagos, halimbawa ang lason.

tu·má·li

png |Ark |[ ST ]
:
poste ng dingding, o mga kahoy na nakatayo na pinagkakabitan ng mga pahalang na barakilan.

tu·ma·lím

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng malaking behuko, mainam na pambalot ng katre o ng silya.

tu·ma·lú·la

png |Bot
:
uri ng mahabà at manipis na yantok.