-ery
-ery (í·ri)
pnl |[ Ing ]
:
-erya, -eriya, hal bakery, grocery.
erythrocyte (i·rít·ro·sáyt)
png |Ana |[ Ing ]
:
nakararaming cell ng dugo ng mga vertebrate, naglalamán ng puláng hemoglobin, at nagdadalá ng oxygen at carbon dioxide mula at túngo sa iba’t ibang mga tissue.
erythromycin (e·rít·ro·máy·sin)
png |Med |[ Ing ]
:
antibiyotikong gamot sa impeksiyong hindi káyang lunasan ng penisilin.