abak


á·bak

png |[ Kap ]

a·ba·ká

png |[ Akl Tag ]
1:
Bot haláman (Musa textilis ) na kauri ng saging : IBÍLAW, LABÁYO, LÁIN5, PAGÚWA
2:
putîng himaymay mula sa naturang haláman na ginagawâng lubid, tela, basket, at katulad : IBÍLAW, LABÁYO, LÁIN5, PAGÚWA Cf LÁNOT5

A·ba·ká

png |Ant Lgw
1:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Ilongot
2:
isa sa mga wika ng mga Ilongot.

a·bák-a·bák

png |[ Hil ]
:
patúloy at sunód-sunód na paglaglag ng bungangkahoy o pagdatíng ng sulat.

a·ba·ká·da

png
1:
Lgw romanisadong paraan ng pagsulat ng mga Tagalog at gumagamit ng dalawampung titik Cf ALPABÉTO, BAYBÁYIN
2:
batayang katotohanan at prinsipyo ng isang paksa : ABC2 — pnr i·ná·ba·ká·da. — pnd á·ba·ka·dá·hin, i·á·ba·ká·da, mag-á·ba·ká·da

á·ba·ka·hán

png |[ abaká+han ]
1:
plantasyon o taníman ng abaká : KÁABAKHÁN
2:
tindáhan ng abaká.

A·bák·non

png |Ant
:
pangkating etniko na matatagpuan sa isla ng Capul na nása dulong hilaga ng lalawigan ng Samar. Cf INABÁKNON

á·ba·kó

png |Mat |[ Esp ábaco ]

á·ba·kús

png |[ Ing abacus ]
1:
Mat kasangkapang ginagamit sa pagkukuwenta, binubuo ng mga bilóg na piraso ng kahoy na nakatuhog sa alambreng nakalagay sa parihabâng balangkas : ÁBAKÓ
2:
Ark isang tipak ng bato na nagsisilbing pinakamataas na salig sa capital ng haligi.