abot


a·bót

png |[ Bik Hil Seb War ]

a·bót

pnr |[ Bik Seb Tag Tau War ]
1:
maaaring makuha, mahawakan, o maratíng : KÁW-A, KAB-ÓT, MAGÁW-AT, NAGÁWAT
2:
ibigay ang isang bagay sa iba sa pamamagitan ng kamay — pnd a·bu·tán, a·bu·tín, i·a·bot, mag-a·bót, u·ma·bót.

á·bot

png |Mtr |[ Tag ]
:
kabilugan ng buwan na inaabutan ng pagsikat ng araw.

á·bot

pnd |a·bú·tan, mag·pang-á·bot, ma·ka·á·bot, u·má·bot
1:
makasabay ; masabayan : ÁBUT
2:
makasunod ; makahabol : ÁBUT

a·bót-a·bót

pnr |[ Bik ]

a·bót-a·gá·win

png |Ana
:
pinakagitnang bahagi ng likod na kahanay ng gulugod.

á·bot-ba·lí·ta

pnr
:
nararating ng balita.

a·bot·dán

png |[ ST ]
:
kanin na hindi maayos ang pagkaluto ; kaning nahilaw o nasunog.

á·bot-hi·yáw

pnr
:
nararating ng hiyaw var ábot-sigáw

á·bot-ka·máy

pnr
:
malapit na malapit na ; makukuha na.

á·bot-ki·sáp

png |[ ST ]
:
pagbukás at pagsara ng talukap ng matá.

á·bot-ku·ráp

pnr
:
madalas at hindi mapigil ang pagkurap.

á·bot-sá·bi

png
:
kalatas na inihahatid sa pamamagitan ng pasabi.

á·bot-si·gáw

pnr
:
varyant ng ábot-hiyáw.

á·bot-sí·ko

pnr pnb
:
mahigpit ang pagkakatalì ng mga siko sa likod.

á·bot-ta·náw

png pnr
1:
pook na tíla tagpúan ng langit at ng lupa : GINTAÍPAN, HORIZON1, KAPUNÁW-PUNÁWAN, ORISÓNTE, PANGANÓRIN3

á·bot-tá·wag

pnr
:
nararating ng tawag.

á·bot-ti·ngín

pnr
:
nararating ng tingin : ÁBOT-TANÁW2

á·bot-tu·bò

png |Bio |[ ST ]
:
pagdatíng ng unang regla ng babae.