adul
a·du·la·dór
png |[ Esp ]
:
tao na nagkikimkim o nagpapahayag ng adulasyon.
a·du·las·yón
png |[ Esp adulación ]
1:
labis at eksaheradong pagpuri : ADULATION
2:
pagpupugay na hindi ginamitan ng tumpak na bait at pagkukuro : ADULATION
a·du·la·tór·yo
pnr |[ Esp adulatorio ]
:
tigib sa adulasyon ; sobra sa papuri.
a·dul·te·rá·do
pnr |[ Esp ]
1:
hindi puro o dalisay
2:
mababà ang uri o kalidad dahil dinagdagan ng sangkap na mas mura o mas mababà ang kalidad.
a·dul·te·ras·yón
png |[ Esp adulteración ]
1:
paghahalò ng ibang sangkap upang masirà ang kalagayang dalisay Cf BANTÔ1
2:
pagpapababà ng uri o kalidad sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sangkap, malimit sa paraang lihim at may layuning mandaya.