banto
ban·tô
png
1:
paghahalò ng malamig na tubig sa mainit na tubig : NAWNÁW4,
TABAYÁW,
TIBHÓNG,
TIGHÓNG Cf ADULTERASYÓN — pnd ban·tu·án,
mag·ban·tô
2:
pagtimpla sa alak kapag ito ay matapang
3:
bagong datíng na dayuhan.
ban·tóg
png |Heo |[ Ilk ]
:
tuyông kapatagan.
ban·tóg
pnr |[ Hil Pan Seb Tag ]
ban·tók
png
1:
[ST]
bagting ng búsog na napakahigpit
2:
Ntk
mataas na bahagi sa prowa o popa ng bangka.
ban·to·kan-la·wí
png |Zoo |[ ST ]
:
tandang na tinutubuan ng mga balahibo sa leeg var bantukanlawî
ban·to·kí
pnr |[ ST ]
:
paghalò sa isang lusáw na bagay, sinaunang salita na hindi na ginagamit maliban sa mga tula.
ban·tól
png |Zoo |[ Seb ]
:
maliit hanggang malakí-lakíng uri ng isdang-dagat (family Scorpaenidae ) na may malakíng ulo na bukól-bukól at matinik, malakí ang bibig, at katawan na bukól-bukól ang hugis ; lubhang makamandag ang tinik sa mga palikpik : ÁMPO,
SCORPIONFISH,
TÚNOK Cf LÁLLONG
ban·to·lán
png |[ Bik ]
:
dagdag na kawal o kagamitan.
ban·to·lí·naw
png |Asn
:
pagdilim ng araw sa pagsisimula ng eklipse.
Bán·tong
png |Mit |[ Bik ]
:
isa sa tatlong bayani sa Ibalon.
ban·tót
png
1:
ban·tót png
2:
[ST]
tubig o alak na may mabahong amoy dahil matagal nakalagay sa tapayan
3:
[ST]
Bot pagkakasakít ng punongkahoy
4:
mabahòng amoy ng tubig na matagal nang nakaimbak : LANTÓT
Ban·to·wá·non
png |Ant
:
pangkating etniko na matatagpuan sa isla ng Banton, Romblon.