air
airbus (éyr·bas)
|[ Ing ]
:
malakíng eroplanong pampasahero.
aircon (éyr·kon)
pnd |[ Ing ]
:
pinaikling aircondition.
aircondition (éyr·kon·dí·syon)
pnd |[ Ing ]
:
lagyan ng aparato para sa paglinis ng hangin at pagkontrol ng temperatura ang isang silid o gusali Cf AIRCON
airconditioner (éyr·kon·dí·syo·nér)
png |[ Ing ]
:
aparato o mákináng pang-aircondition.
airfoil (eyr·foyl)
png |Aer |[ Ing ]
:
estruktura na may mga kurbadong rabáw at idinisenyo upang magdulot ng pinakapaborableng ratio ng akyat kaysa hatak sa pag-imbulog ; ginagamit na batayang anyo ng pakpak at buntot ng mga sasakyang panghimpapawid.
airfreight (éyr·freyt)
png |[ Ing ]
1:
paghahatid ng kargamento sa pamamagitan ng eroplano
2:
ang singil o bayad sa ganito.
air gun (éyr gan)
png |[ Ing ]
:
baril na napapuputok sa pamamagitan ng pagbobomba ng hangin.
air letter (eyr lé·ter)
png |[ Ing ]
1:
sulat na ipinapadalá sa pamamagitan ng eroplano
2:
manipis at magaan na papel na ginagamit sa paggawâ nitó.
airlift (éyr·lift)
png |[ Ing ]
:
sistema ng paghahatid ng tao o kargamento sa pamamagitan ng eroplano, karaniwang túngo o mula sa isang mahirap máratíng na pook.
airline (éyr·layn)
png |[ Ing ]
1:
sistema ng transportasyong panghimpapawid
2:
kompanya para sa ganitong serbisyo.
air mail (eyr meyl)
png |[ Ing ]
1:
sistema ng paghahatid ng liham sa pamamagitan ng sasakyang panghimpapawid
2:
liham na inihahatid sa pamamagitan ng sistemang ito.
air pressure (eyr prés·yur)
png |[ Ing ]
:
atmospheric pressure1