• ta•ká

    1. 1:
      gúlat na may kahalòng paghanga bunga ng isang bagay na maganda, hindi inaasahan, hindi kilalá, o hin-di maipaliwanag
    2. 2:
      damdaming nagtutulak sa tao para magsiyasat o magtanong bunga ng hinala o pagdududa
  • tá•ka

    1. 1:
      a
      pág•ta•tá•ka proseso ng paghahalò ng sinapal na papel at mga sangkap, gaya ng resina, langis, at katulad, dili kayâ’y pagsasapin-sapin ng mga papel na pinahiran ng pandikit at inihuhulma sa nais na anyo bago matuyo
      b
      ang likhang si-ning bunga nitó
    2. 2:
      mga patpat na inilalagay sa ibabaw ng umusbong na tanim ng palay
    3. 3:
      ibon (Sitta frontalis aenochlamys) na itim ang noo, bughaw ang itaas na bahagi ng katawan, malaki ang paa, tuwid ang tuka, at maikli ang buntot
  • ta•kà

    1. :
      pantaták, gaya ng rubber stamp o selyador