alpa


al·pá

png |[ ST ]
:
sáma o pagsáma.

al·pá

pnr |[ War ]

ál·pa

png |Mus |[ Esp harpa ]
:
varyant ng árpa.

ál·pa

pnr

al·pa·be·ti·sá·do

pnr |[ Esp alfabetizado ]
:
nakaayos alinsunod sa alpabeto.

al·pa·bé·to

png |Lgw |[ Esp alfabéto ]
1:
tulad ng abakada, Romanisadong paraan ng pagsulat ngunit gumagamit ng dalawampu’t walong titik : ABC1, ÁBÉSE1, ABESEDÁRYO1, ALPHABET
2:
pangkat o kalipunan ng mga titik na ginagamit para maisulat ang isang wika : ABC1, ÁBÉSE1, ABESEDÁRYO1, ALPHABET
3:
pangkat o kalipunan ng mga simbolo o sagisag na kumakatawan sa mga titik : ABC1, ÁBÉSE1, ABESEDÁRYO1, ALPHABET Cf ABAKÁDA, BAYBÁYIN

al·pa·hól

png |[ Esp alfahor ]
:
pagkaing gawâ sa hiniwà-hiwàng kamote at iniluluto sa asukal, gatas, o gatâ, at kaunting anís, var pahól

al·pá·ka

png |Zoo |[ Esp alpaca ]
1:
hayop (Peruvian Ilama ) na maamo at kahawig ng tupa, may mahabà at malasutlang balahibo o lana
2:
telang yarì sa balahibo nitó Cf LYÁMA

al·páng·he

png |[ Esp alfanje ]
:
sableng maikli at baluktot nang bahagya.

al·pás

pnd |al·pa·sán, u·mal·pás
:
kumawala o umalis sa pagkakahawak, pagkakatali, o pagkakakulóng : HULPÓS Cf HULAGPÓS

al·pa·só·te

png |Bot |[ Mex alpazotl ]
:
uri ng matigas na punongkahoy (Chenopodium ambrosioides ) var alpasótis, aposítis, pasótis

al·páy

png |[ ST ]
:
matamis na bungangkahoy na lubhang kinalulugdan.