aris
a·ris·to·krás·ya
png |Pol |[ Esp aristocracia ]
1:
pinakamataas na uring panlipunan ; o ang uring naghahari sa isang lipunan
2:
pamahalaan na pinamumunuan ng pribilehiyadong pangkat ; o ang estadong pinamamahalaan sa ganitong paraan.
a·ris·to·krá·ti·ká
pnr |[ Esp aristocrática ]
1:
may kaugnayan sa aristokrasya
2:
bantog sa tíkas o pag-uugali, a·ris·to·krá·ti·kó kung laláki.
A·ris·tó·te·lés
png |Kas |[ Esp ]
:
pilosopo at siyentistang Greek, disipulo ni Plato at isa sa pinakamaimpluwensiya sa kaisipang Kanluranin (384 BC –322 BC ) : ARISTOTLE
A·rís·to·te·li·kó
png |[ Esp Aristotelico ]
:
may kinalaman kay Aristoteles o sa kaniyang pilosopiya : ARISTOTELIC