arya
ar·yá
png |[ Esp arriar ]
1:
paglalawit ang lubid, talì, o katulad
2:
pagpalò o paghampas upang itaboy
3:
pagtuloy sa isang balakin
4:
abánte1 — pnd ar·ya·hán,
ar·ya·hín
5:
[ST]
pagtatanggol o pagbabawal.
Ar·yá!
pdd |[ Esp arrear ]
:
bulalas na tumutukoy na ipagpatuloy o ituloy ang isang aksiyon o hakbang.
ar·yáp
pnd |ar·ya·pín, mag-ar·yáp |[ ST ]
:
magpausok o magsiga.
ár·yap
png |[ ST ]
:
pagpapausok o pagbomba ng gamot upang puksain ang mga kulisap tulad ng ipis, langgam, at iba pa : FUMIGASYÓN,
FUMIGATION