back
back (bak)
png |[ Ing ]
:
likód o likuran.
backgammon (bak·gá·mon)
png |[ Ing ]
1:
larong mesa na pandalawahan at iginagalaw ang mga piyesa ayon sa hagis ng dais
2:
pinakakompletong panalo sa larong ito.
background (bák·grawnd)
png |[ Ing ]
1:
Sin Tro
bahagi ng eksena o larawan na pinakamalayò sa paningin ng manonood ; tánáwin sa likuran
2:
paligid ng isang bagay na nakikíta o kinakatawan
3:
impormasyon o nakaraang sirkumstansiya na nakatutulong upang maliwanagan ang isang pangyayari o sitwasyon
4:
Pis
mahinàng pagkalat ng sinag mula sa mga isotope na radyoaktibo na nása likás na kaligiran
5:
Ele
signal na hindi kailangan, gaya ng ingay sa pagtanggap at pagrekord ng tunog.
background music (bák·grawnd myú·sik)
png |[ Ing ]
:
musika o tunog na ginagamit bílang pansaliw sa usapan o aksiyon sa isang dula, pelikula, at katulad.
backhoe (bák·how)
png |[ Ing ]
:
mekanikal na panghukay.
backlog (bák·lag)
png |[ Ing ]
:
gawaing kailangan pang tapusin.
backpack (bák·pak)
png |[ Ing ]
:
bag na karaniwang gawâ sa kambas o katad at isinasakbat sa likod Cf PASIKÍNG
backpay (bák·pey)
png |[ Ing ]
:
bayad sa serbisyong naipagkaloob na.
backspin (bák·is·pín)
png |Isp |[ Ing ]
:
pabaligtad na rotasyon ng isang bola na nagiging dahilan ng pagtalbog, paggulong patalikod, o biglang pagtigil nitó.
backstroke (bák·is·trówk)
png |Isp |[ Ing ]
:
pahigang langoy, salit ang patalikod at paikot na kampay ng kamay hábang isinisikad ang paa.
backup (bák·ap)
png |[ Ing ]
1:
tulong na teknikal o moral
2:
reserba para sa biglang pangangailangan
3:
Com
paraan ng pagkopya ng datos bílang reserba ; o ang mismong kopya
4:
píla ng mga sasakyan at katulad, lalo na sa masikip na trapiko.