bagbag
bag·bág
png
1:
[Kap Tag]
tibág1
2:
pagpatag sa burol na lupa
3:
paghupa ng silakbo ng gálit dahil sa pagkaawa
4:
pagsadsad ng sasakyang-dagat dahil sa samâ ng panahon
5:
lumubog na barko
6:
Bot
damo (Daemonorops affinis ) na kahawig ng yantok, karaniwang natatagpuan sa Agusan
7:
bag·bá·gin
png |[ bagbag+in ]
:
tawag sa pook na malapit sa ilog, karaniwang mabató at matigas ang lupa.
bag·bag·í·sen
png |[ Igo ]
:
espiritu ng mga bangin na hitik sa pakô at baging ng yantok.
bag·ba·gó·tot
png |Mit |[ Ilk ]
:
damuhan na pinagtataguan ng mga duwendeng may ginintuang ngipin.