Diksiyonaryo
A-Z
bagyo
bag·yó
png
1:
Mtr
ligalig sa atmospera, karaniwang may palatandaang malakas na hangin na may kasámang malakas na ulan, kulog, at kidlat
:
ANYÍN
,
BÁGYO
,
SÁMBEL
,
TIFÓN
,
TYPHOON
2:
Mtr
sa eskalang Beaufort, hangin na may lakas na 102–115 km bawat oras
:
ANYÍN
,
BÁGYO
,
SÁMBEL
,
TIFÓN
,
TYPHOON
3:
marahas na kaguluhan, gaya ng kaguluhang sibiko, pampolitika, panlipunan, at katulad
:
ANYÍN
,
BÁGYO
,
SÁMBEL
,
TIFÓN
,
TYPHOON
4:
marahas na pag-atake
:
ANYÍN
,
BÁGYO
,
SÁMBEL
,
SIGWÁ
,
TIFÓN
,
TYPHOON
Cf
BABALAGÍIT
,
BUHAWÍ
,
PALUNGHÔ
,
SIGWÁ
,
TEMPESTÁD
,
TORNADO
,
UNÓS
bág·yo
png
|
[ Akl ]
:
bagyó.
bag·yóng tu·yô
png
|
[ bagyo+na tuyo ]
:
bagyong walang kasámang ulan at puro hangin lámang na humahagunot at nakapipinsala.