balata


ba·la·tà

png
1:
[ST] katad na kolyar ng ásong ipinangangaso
2:
[ST] panatà, karaniwang bahagi ng pagdadalamhati para sa isang namatay
3:
[Zam] telang inilalagay sa ulo ng kalalakíhan hábang isina-sagawâ ang ritwal ng pagdadalamhati sa magulang na namatay
4:
[War] kasunduan ng mga magu-lang ng laláki at ng babae na pag-asawahin ang dalawa págdatíng ng tamang panahon.

ba·la·ták

png |[ ST ]
1:
pagtawag sa mga áso para mangaso : HÁKAW
2:
pagsipol nang mayroon o walang paghanga.

ba·lá·tak

png

Ba·lá·tas

png |Asn |[ Hil ]
:
pangkat ng liwanag na tumatawid sa kalawakan, nakikíta sa mga gabing walang buwan at unang natuklasan ni Galileo : ARIWÁNAS, MILKY WAY, SÍLID

ba·lá·tay

png
1:
[ST] pagpapatong ng isang bagay sa ibabaw ng iba pa, katulad ng paa, braso
2:
pagkakakapit nang paayon sa kinakapitan
3:
marka na iniwan ng latigong inihampas Cf LÁTAY
4:
markang gúhit o guhít-guhít
5:
paglígaw ng laláki sa babae ; o laláking mangi-ngibig — pnd ba·lá·ta·yan, bu·ma· lá·tay, i·ba·lá·tay.