balino
ba·li·nó
png |[ ST ]
:
panlilinlang sa pamamagitan ng paggamit ng mga malîng salita.
ba·li·nô
png |[ ST ]
:
paglipat nang kusang-loob sa madalîng paraan.
ba·li·nô
pnr
1:
madalîng magbago ng layunin
2:
magalíng maglaro sa mga salita ; magalíng magkunwari.
ba·li·nog·nóg
pnd |i·ba·li·nog·nóg, mag·ba·li·nog·nóg |[ ST ]
:
ilagay ang isang bagay sa unahán at ipuwestong parang arko.