balok
bá·lok
png |[ ST ]
1:
2:
uri ng kasuotan na yarì sa balát ng mga ilahas na punongkahoy
3:
uri ng makapal na lubid na ginagamit sa sasakyang-dagat.
bá·lok
png |Bot |[ Tag ]
:
baní 2.
bá·lok
pnd |ba·lú·kin, i·bá·lok, mag·bá·lok
:
hilahin ang sasakyang-dagat upang ibunsod palayô sa pampang.
ba·ló·kas
png |[ ST ]
:
pagkawala sa pagkakatalì o pagkakasabit sa sanga ng punongkahoy.
ba·ló·kay
png |[ ST ]
:
pagtatalì sa kabuuan.
ba·lo·kay·káy
png |[ ST ]
:
pagbubuhol sa talì nang hindi pantay-pantay.
bá·lok-bá·lok
png |Bot |[ Tag Bik ]
:
baní 2.
ba·lók-ba·lu·kán
png |[ ST ]
:
prutas na bahagyang natalupan.
ba·lo·kí
png |[ ST ]
1:
nabaluktot na pakò : BAKLOKIKÍ
2:
Ntk
pagbabaling-baling ng unahan ng bangka hábang naglalayag.
ba·lo·ki·kí
png |[ ST ]
:
pakò na nabaluktot ngunit hindi gaanong balokí.
ba·lo·kis·kís
png |[ ST ]
:
pagtayô ng mga buhok o balahibo dahil sa takot o sa lamig.
ba·lo·kit·kít
pnd |ba·lo·kit·ki·tín, bu·ma·lo·kit·kít, mag·ba·lo·kit·kít |[ ST ]
:
suriin ; busisiin.
ba·lok·wí
pnd |ba·lok·wi·hín, bu·ma·lok·wí, i·ba·lok·wí, mag· ba·lok·wí |[ ST ]
:
baluktutin ang dulo ng pakò.