bani


ba·ní

png
1:
[ST] paghikayat sa sinuman túngo sa masamâ
2:
Bot maliit na punongkahoy (Pongamia pinnata ) na tumataas nang 8–25 m, ginagawâng talì o lubid ang balát, at ginagamit sa paggawâ ng gamot, sabon, at kandila ang butó, katutubò sa Malaysia at Australia : BAGNÉI, BÁLIK-BÁLIK, BÁLOK, BÁLOK-BÁLOK, BÁLOT-BÁLOT, BÁLU-BÁLU, BALÓK-BALÓK, BÁLUK-BÁLUK, BÁLUT-BÁLUT, BÁNIT, BÁOBÁO, BÁYOG-BÁYOK, BÁYOK-BÁYOK2, BÚTONG, DÁDEL, MÁGIT, MÁLOK-BÁLOK, MAROBAHÁI, MÁROK-BÁROK, MÁRUK-BÁRUK

bá·ni

png |Bot
1:
[ST] isang uri ng punongkahoy
2:
[Seb] sahà.

ba·ní·ba·ní

png |[ ST ]
:
kunwarî o pagkukunwari.

ba·ni·dád

png |[ Esp vanidad ]
1:
layon o gawain na maitampok ang sarili para hangaan ng iba : VANITY, YAMÒ2
2:
kawalan ng saysay o kabuluhan : VANITY, YAMÒ2

ba·ni·dó·sa

pnr |[ Esp vanidosa ]
1:
walang tunay na halaga o importansiya ; walang batayan ; walang halaga : VAIN
2:
labis na ipinagmamalaki ang sariling itsura at katangian, ba·ni·dó·so kung lalaki : VAIN

ba·níg

png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
sapin sa sahig o katulad na rabaw, karaniwang gawâ sa nilálang bule, dahon ng sasá, bambán, o plastik at inilalatag para tulúgan o kaínan : BAGLÁG, BALÍW1, DÁSE, HAMÁK2, IKAMÉN1, MAT4
2:
latag ng katipunán ng maliliit na bagay, karaniwang aspile, gamot, selyo, at binubuo nang may tiyak na bílang : MAT4

bá·nig

png |[ ST ]
:
kasámahán sa bukid.

bá·nig

pnr |[ ST ]
:
mahinahon, kaiga-igaya.

ba·ní·it

png |[ Ilk ]
1:
amoy ng nasusunog na buhok at katulad
2:
pangangati dulot ng init — pnr na·ba·ní·it.

ba·ní·ka

png |[ Seb ]

bá·nil

png
1:
makapal na libág sa leeg
2:
Bot mga ugat ng punongkahoy na nakaumbok sa lupa
3:
Med pamamagâ ng ugat : BÚKNUL
4:
marká sa balát dulot ng hampas o hataw.

ba·ní·lad

png
1:
Heo [Seb] pampáng
2:
Bot isang uri ng punongkahoy.

ba·ní·lag

png |[ Ilk ]
:
estanteng gawâ sa kawayan at pinaglalagyan ng mga kasangkapang pangkusina.

ba·ní·lar

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.

bá·nis·ter

png |[ Ing ]
:
gabay at balustre ng hagdan.

bá·nit

png |Bot |[ Tag ]
:
baní 2.

ba·ní·tan

png |Bot |[ ST ]
:
malakíng punongkahoy na hugis mangga ang mga dahon.