banat
bá·nat
png
1:
pag-uunat ng lukot, baliko, o baluktot Cf BINTÁD
2:
batíkos1 o pagbatikos
3:
bugbóg2 o pagbugbog — pnd ba·ná·tan,
bu·má·nat,
mag·bá·nat.
ba·ná·ta
png
1:
sadyang sukat ng habà ng puputuling buhò na pambakod sa isang bakuran
2:
[ST]
paglalagay ng dibisyon sa pukot o baklad
3:
[Hil]
hinábing kawayan na ginagawâng bitag sa isda.
ba·ná·tan
png
1:
Bot
mababàng punongkahoy (Acanthus ebracteatus ) na pinagkukunan ng tablang karaniwang ginagamit sa paggawâ ng parola
2:
[banat+an]
pambalot sa baklad na yarì sa mahabàng tilad ng kawayang ga-sigarilyo, kinayas nang maayos at makinis, at linálang masinsin upang hindi malusutan ng kahit maliit na isda
3:
[ST]
isang uri ng salakab.
ba·ná·to
png |Bot |[ Iba Igo Tag ]
:
maliit na punongkahoy (Mallotus philippensis ) na pinagkukunan ng tina ang bunga : APÚYO,
DARANDÁNG,
KAMÁLA,
PANAGÍSEN,
PANAGISIYÁN,
PANAGISÍYEN,
PANGAPLÁSIN,
RÍYAS,
TAFU,
TAGUSÁLA,
TUTÚLA