baras


ba·rás

png
1:
Bot [Mag] bigás
2:
Heo [War] buhángin.

bá·ras

png |[ Esp barra ]
1:
anumang pahabâ at matibay na metál : BAR3, BARÁS-BÁRAS, PANAKLÁY, POLE5
2:
Isp laro na nagbibitin sa isang putol ng túbong bakal na may tukod sa magkabilâng dulo ; o túbong gina-gamit sa larong ito
3:
pares ng mahabàng kahoy o kawayan sa unahán ng kariton o kalesa na pinagsisingkawan ng humihilang hayop : PADALAYDÁY

ba·rá·san

png |Bot |[ War ]
:
uri ng yantok na malaki at makapal.

ba·rás-bá·ras

png |[ Seb ]

bá·ras-ba·rá·san

png |Bot
:
damo na ginagawâng basket at pantutos sa pawid.

bá·ras-ha·rì

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng palumpong.

bá·ras·ni·ho·sè

png |Bot |[ ST baras+ ni+Esp jose ]
:
isang uri ng palumpong.

Barasoain (ba·ras·wa·ín)

png |Kas |Heg
:
simbahan ng Malolos, Bulacan na pinagdausan ng pulong ng Kongreso ng Rebolusyonaryong Pamahalaan at ng Inagurasyon ng Unang Republika ng Malolos sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1898.

ba·rá·son

png |Zoo |[ Bik ]

ba·rá·sot

png |Zoo |[ Ilk Tag ]
:
katam-taman ang laking isdang-alat (family Hemiramphidae ) na may panga na tíla mahabàng tuka, pahabâ at payát ang katawan, medyo malaki ang mga kaliskis, may isahang palikpik sa likod at tiyan malapit sa buntot, at karaniwang makikítang pangkat-pangkat sa malapit sa rabaw ng tubig : BALÁMBAN2, BALULÚNGI, BARÍTOS, BAYAMBÁNG2, BAYANBÁN, BUGÍNG, BULÓY3, GARFISH, HALFBEAK, KÚTNUG, LULUNGÌ, MALÁMBAN, OBÚD-OBÚD, PATLÁY, RANGDÁW, SIGWÉL, SIGWÍL, SÍRIW, SILÍW1, SISIWÍ, SUGÍ