bass
bass (bas)
png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng isdang-tabáng (family Percichthyidae, Dicentrarchus labrax ).
bass clef (beys klef)
png |Mus |[ Ing ]
:
simbolong nása pang-apat na guhit ng pentagrama, nangangahulugang ang naturang guhit ay katugma ng notang fa sa ilalim ng gitnang C : F CLEF
basset (bás·it)
png |Zoo |[ Ing ]
:
áso na maikli ang mga paa at mahabà ang katawan at mga tainga.
basset horn (bás·it horn)
png |Mus |[ Ing ]
:
klarineteng alto sa F.
bás·si·nét
png |[ Ing ]
:
higaan ng sanggol, tíla basket, karaniwang may paa, at may talukbong sa isang dulo.
bassoon (ba·sún)
png |Mus |[ Ing Fre ]
1:
instrumentong báho sa pamilya ng oboe, dalawa ang caña o dila : BAHÓN
2:
tagatugtog ng instrumentong ito : BAHÓN