batingaw
ba·ti·ngáw
png
:
isang hungkag na bagay, karaniwang bakal at may hugis na tíla binaligtad na tása, na nagdudulot ng tunog kapag pinalò o pinatunog sa pamamagitan ng bakal na nakalawit sa loob : BAGTÍNG5,
BELL,
KAMPANÀ Cf KAMPANÍLYA,
TAMBÚKAW
ba·tí·ngaw
png |[ ST ]
:
isang uri ng pantakot sa mga ibon na gawâ sa kawayan.