batong
ba·tóng-á·pog
png |Heo |[ bato+na apog ]
:
batóng banlik na binubuo ng calcium carbonate na nabubuo sa pa-mamagitan ng mga kalansay ng mga maliliit na organismo sa dagat at korales : LIMESTONE
ba·tóng-bá·kal
png |Heo |[ bató+na bakal ]
:
uri ng batóng may subó o nasusubuhan.
ba·tóng-bu·háy
png |Heo |[ bató+na buhay ]
:
maputî at matigas na batóng kahawig ng marmol at sinasabing lumalaki var batumbuhay
ba·tóng-da·líg
png |Heo |[ ST bató+na dalíg ]
:
bató na malapad at manipis.
ba·tóng-da·pí
png |Heo |[ bató+na dapí ]
:
bató na maputî at matigas.
ba·tóng-ha·sa·án
png |[ bató+na hasa+an ]
:
bató na pinaghahasaan ng mga kasangkapang may talim, gaya ng kutsilyo o kampit.
ba·tó·ngo
png |[ ST ]
:
pagngatngat ng tangà sa damit o ang damit na sinirà ng tangà.
ba·tóng-páng·hí·lod
png |Heo |[ bató+ na pang+hilod ]
:
bató na ginagamit na pangkuskos sa katawan kung naliligo upang maalis ang libag Cf PÓMES
ba·tóng-ping·kí·an
png |[ bato+na pingki+an ]
:
bató na pinagkikiskis at ginagamit sa pagpapaapoy.
ba·tóng-si·nan·tá·nan
png |[ ST bató+ na sinantanan ]
:
metal na bató na ginagamit sa timbangan.
ba·tóng-sor·lán
png |[ ST bató+na sorlan ]
:
batóng pulunan ng sinulid.
ba·tóng-ú·ling
png |Heo |[ bató+na uling ]
:
maitim na batóng nahuhukay sa lupa at ginagawâng panggatong.
ba·tóng-u·ri·án
png |[ bató+na uri+ an ]
:
bató na pinagkikiskisan ng ginto upang matiyak ang tunay na uri nitó : URIÁN1