bau
bauble (bó·bel)
png |[ Ing ]
:
maganda ngunit mumuráhing hiyas o laruan.
ba·ú·nan
png |[ baón+an ]
:
pook na pinaglilibingan.
ba·ú·ngan
png |Zoo
:
ibong kauri ng pipit-motas (Periparus elegans ) ngunit mas mapusyaw na dilaw ang katawan at medyo abuhin ang ulo.
ba·ú·nu
png |Bot |[ Seb ]
:
punongkahoy (Mangifera caesia ) na malaki ang bunga kaysa manggang kalabaw : BALÓNO
ba·ú·tek
png |[ Ilk ]
:
pansangga sa pinto o bintana.
bauxile (bók·say)
|[ Ing ]
1:
pangunahing alloy ng aluminum
2:
bató na binubuo ng mga aluminum oxide at hydroxide na may iba’t ibang halò.