bayo
ba·yó
pnd |ba·yu·hín, bu·ma·yó, mag·ba·yó
1:
durugin sa malakas at ulit-ulit na pukpok, gaya sa pagbayo ng palay
2:
igupo sa pamamagitan ng malakas na palò o suntok
3:
pitpitin ang lupa gamit ang pambayo.
bá·yo
png
1:
mamulá-muláng kulay tsokolate, karaniwang tumutukoy sa kulay ng kabayo
2:
[ST]
tulos o suhay na gawâ sa punongkahoy.
bá·yod
pnr |[ War ]
:
kilos babae ; parang babae.
bá·yog-bá·yok
png |Bot |[ Tag Seb ]
:
baní 2.
bá·yok
png
1:
Bot
punongkahoy na nakukunan ng himaymay ang banákal at nagagamit na pangkulay ang katas
2:
[Mrw]
Lit panulaang mabilis na kinakatha ng mga katutubò tungkol sa isang okasyon, pagpuri sa isang tao, at ilang bahagi ng Darangan
3:
Lit Mus
áwit1
4:
[Zam]
sa sinaunang lipunan, laláking nakasuot pambabae at gumaganap na babaylan.
bá·yok-bá·yok
png |Bot
1:
baging na maligasgas, humahabà nang hanggang 15 m, iginugulay ang muràng talbos, at nakakain ang lamán ng bunga
2:
[Seb]
baní 2.
ba·yo·ké·mis·trí
png |[ Ing biochemistry ]
:
pag-aaral ng kemikal at pisiko kemikal na mga proseso ng organismong buháy : BIOCHEMISTRY
ba·yó·kon-pá·tong
png |Zoo |[ Pal Tbw ]
:
uri ng malaking susô (genus Helicostyla ), kahawig ng kuhol ngunit maputlang ginto ang kabibe, hindi kinakain, at itinuturing na peste dahil nanginginain ng dahon ng haláman : BIRURÚKU
Ba·yom·bóng
png |Heg
:
kabesera ng Nueva Vizcaya.
ba·yo·né·ta
png |Mil |[ Esp ]
:
patalim na ikinakabit sa ngusò ng ríple.
ba·yóng
png |[ Bik Pan Tag ]
bayou (bá·yu)
png |Heo |[ Ing ]
:
suba o ilog-ilugan, karaniwang sanga ng higit na malakíng lawas ng tubig.