bakla


bak·lá

png
1:
pagkabighani sa anumang maganda sa tingin
2:
pagkatigalgal sa isang bagay na hinahangaan lalo pa at bago sa paningin
3:
pagkatigatig sa kalooban dahil sa takot
4:
pagkagulantang dahil sa isang pangyayaring kahambal-hambal
5:
balísa1–3 o pagkabalísa — pnd bak·la·hín, i·bak·lá, ma·bak·lá
6:
pagkilos dahil sa isang interes o pakinabang.

bak·lá

pnr |[ ST ]
:
nasaktan dahil sa pagkamot.

bak·lâ

png pnr
2:
laláking nagkakagusto, umiibig, at nakikipagtalik sa kapuwa laláki : AGÎ, AGINGÍNG, BADÁP, BADÍNG, BÁNTUT, BÁYOT, FAGGOT, GAY, HOMOSEXUAL1, PONCE2, QUEEN2, SWARD

bak·lád

png |Psd |[ Bik Kap ST ]
:
panghúli ng isda, may dingding na sadyang panlaban sa tubig, at nakahimpil sa tubigán : BÁKOD3, BALÓYLOY, BONÓHAN, BÚNGSOD2, BUNÚAN, LÁYRONG, PASABÍL, RAMÁPANG, SÁGKAD, SÁKOD var baklár Cf PASABÍL, RAMÁ

bak·lár

png |Psd |[ ST ]
:
varyant ng baklád.

bak·lás

pnr
1:
[Bik Kap ST] natanggal o inalis na bahagi o rabaw : BAKLÍS
2:
[ST] nanghina ang loob o isang bahagi ng katawan.
3:
[Kap Tag] nabunót
4:
baklî, gaya ng nabaklás na sanga ng kahoy — pnd bak·la·sín, bu·mak·lás, i·pa·bak·lás, mag· bak·lás.

bak·la·sán

png |[ ST ]
:
pagkaluma ng libro o anumang bagay ; pagpusyaw ng kulay.

bak·lá·va

png |[ Ing Tur ]
:
pamutat na gawâ sa minasang arina, pulut-pukyutan, at nuwes.

bak·láw

png |[ ST ]

bák·law

png |[ Seb ]

bak·láy

png |Med |[ Bik ]
:
sakít sa balát na mahirap gamutin.

bak·láy

pnd |[ Bik ST ]
:
maglakad sa mahabà at lubak-lubak na landas at mga gulod.

bák·lay

pnd |[ Hil ]
:
akyatin at tawirin ang bundok o burol.