binti


bin·tî

png |Ana
1:
biyas ng paa ng tao o hayop sa pagitan ng tuhod at bukong-bukong : BÁGTAK, BATÍIS, BÉTIS2, BIKKÍNG, BUTÍT1, BUTÓY, BUSUG-BUSUGÁN, KABIYÍKAN, LEG1, PAMOSÓWAN, PIGA-PIGÁ, PUSÚPUSÚAN, SHANK1, VUTÍ
2:
ang kalamnan sa likod nitó.

bin·tíng

png |[ Ilk Pan ]
1:
25 sentimo
2:
bigat na katumbas ng 25 piraso ng sentimong yarì sa tanso

bin·tíng-da·lá·ga

png |Bot |[ bintî+ng-dalaga ]
1:
malaki, nagkukumpol na yantok (Plectocamia elongata, var. philippinensis ), 15 m o mahigit ang habà, makinis ang dahon, may maliliit na bulaklak, may bungang bilugan, mabalahibo, at madilim na kayumanggi, at katutubò sa mga gubat ng Palawan at Mindanao