bista
bís·ta
png |[ Esp vista ]
1:
tanawin, lalo na ang makikíta sa mahabà at makipot na abenida o pasilyo gaya sa pagitan ng mga punò, bahay, o katulad : VISTA Cf PERSPEKTÍBA
2:
gayong pasilyo o abenida, lalo na ang mga pormal na ipinlano : VISTA
3:
Bat
pagdinig sa kaso sa hukuman ; pagkakataon na maipahayag ang panig o kaso, pakikinig sa mga ebidensiya at apela sa hukuman : HEARING3
bis·táy
png |[ Tsi ]
1:
salaan na gawâ sa masinsin at makitid na lapát na kawayan at ginagamit upang maihiwalay ang bigas sa ipa, binlid, o darak : KARADÍKAL2
2:
bahagi ng kiskisan para salain ang darak : KARADÍKAL
bis·táy-da·rák
png
:
bistay na masinsin ang pagkakalála at ginagamit upang ihiwalay ang bigas sa darak.
bis·táy-pi·na·wà
png
:
bistay na madálang ang pagkakalála kaysa bistay-darak at ginagamit upang ihiwalay ang bigas sa ipa at palay.