bitin
bí·tin
png |[ Bik Hil Ilk Kap Mrw Pan Tag War ]
1:
paglalagay sa isang bagay sa paraang nakasabit sa dingding o pader, o nakatalì ang pang-itaas na bahagi at hindi sumasayad ang ibang bahagi sa sahig, lupa, at katulad : LAWÍT — pnd i·bí·tin,
mag·bí·tin
2:
ang pumipigil o sanhi ng pagkakaantala
3:
sa larong pabítin, maliit na balag na kinasasabitan ng mga premyo at paagaw.
bi·ti·nán
png |[ bítin+an ]
:
anumang maaaring sabítan o sampayán.
bí·tin-bí·tin
png |Bot |[ ST ]
:
baging o anumang haláman na gumagapang.
bí·tin-ta·gáy
png |[ ST ]
:
pagtatagayan ng alak ngunit walang layuning maglasing.